fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
ayan!
yaay! post!
post post post!
ayoko ng online registration. mas gugustuhin ko pang maglakad sa manual reg, at least dun me kasiguruhan ka noh. saka di naman sya purong online e. nakapag-manual prerog nga ako e. saka nakakasayang yung pagpunta mo sa up. pupunta ka sa college mo at mag-eenlist ka for 15 minutes, tapos tapos ka na? ano naman yun?
teachers. masaya sila.
quotable quotes ng mga teachers:
[on student status] “ikaw, regular ka. sya special. so yung iba regular? special? parang siopao?”
[20-30 mins after start ng class] “i do not intend to keep you long here but if you insist…” (sabay tawa)
[southeast asia yung topic] “i’ve been to the spratlys! imagine that!”
[on his graduate studies] “i thought i could forget my math, but it keeps on haunting me, keeps on being a critical factor in my life! why do i need algebra to do my graduate studies?” (tama yun)
overheard habang naghihintay sa prof:
“hindi readings ang dadalhin mo e…song hits…kakanta ka ng songs of praise and worship…kasi nagyoyosi si sir…para makonsyensya.”
expounding on the fourth quote, i will now relate what happened in my favorite subject, math 2.
ganito yun. ang lahat ng bagay sa mundo ay may math. tulad na lang ng…pinya.
hindi nyo ba alam na may fibonacci sequence ang mga mata ng pinya?
kung nakalimutan nyo na, ang fibonacci sequence ay ganito: 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21…
[ok, for 0.5 pts derive the equation. for a bonus of 0.1pt prove the equation. use theorems wisely.]
may fibonacci sequence din sa pinecones, sa no. of strings ng spiderweb, sa sunflower, sa generations ng rabbits at ng bees, at iba iba pang bagay sa ibabaw ng mundo.
alam nyo rin ba na ang mga bee, kapag nakakita ng pagkain/nectar ay sumasayaw para ipaalam sa mga kasamahan niya kung nasaan ang pagkain?
meron pa syang avi movie sa powerpoint para lang ipakita sa amin ang bee dance (yes po. bee dance). excited na excited pa sya nung iki-click na nya yung movie. ok na sana e, sasayaw na dapat yung bee kaso hindi! naghang ang laptop! pasaway ang bee! nadisappoint sya sobra. tumawag ng ibang staff para magpaayos ng laptop (dahil di daw sya marunong) at di tinigilan ang avi na iyon hanggang di sumasayaw yung bee. astig. sumayaw nga. nag-otso-otso. pramis.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
continuation lang to.
hindi ko na alam kung san ako magsisimula. hindi ko na alam kung anong itutuloy ko. hehe.
random na lang.
meron akong prof na naninigarilyo. yeah. saya no? tapos nakalagay sa kanyang house rules na bawal manigarilyo. asteeg. kailangan lumabas ka ng klase “and pray that the dean does not catch you smokin”. cute. i encourage you read our house rules, once na matuto akong mag-upload ng file dito sa blog ko. eto pa. ang klase ko sa kanya ay mth 5:30-7pm. nag-iisa lang sya na klase ko tuwing mth. saya no?
sa klase ko sa kanya, pinag-introduce nya kami isa-isa. kailangan daw magkwento kami ng kakaiba. wag nyo na alamin yung sakin. alam nyo na yun e. hehe.
etong sa kaklase ko ang da best. ganito:
masaya daw siya dahil binigay lahat ng crs ang mga inenlist nyang klase. ang saya nya nun. edi ang dali ng enrolment. pagpasok daw nya sa mga klase nya, saka nya nalaman na…
….
….
pang-masteral na daw yung mga nakuha nyang subject.
astig.
e bakit ganun ang inenlist mo? sabi ni sir.
e kasi po konti lang ang demand, sabi ni lucky boy.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
math 2. astig. ang dalawang katabi ko (sa table/desk/group) ay puro lovelife nila ang pinag-uusapan habang si ma’am caring (yun daw ang tawag sa kanya e) ay nagdidiscuss ng least common multiples. oo, lcm. feeling ko tuloy nabalik ako sa elementary. maling math 2 ata ang napasukan ko. arr.
every meeting may assignment kami.
eto malupit. isang assignment namin ay division. changing fractions to decimals. huwag daw titigilan habang hindi nagpapakita ang mga periodic numbers (kung nakalimutan nyo na, eto yung merong bar sa ibabaw)
eto ang mga problem:
a. 500/35
b. 4671/34
c. 1122/38
madali lang yung a eh. 14.(285714) lang naman.
yung dalawa yung pamatay. sa letter b., 137.3(15 digits.) yung answer. 15 periodic digits! !@$#@^%$*! &*(^*&%$! %^&*^*(^! kulang yung 1 whole yellow pad para sa solution. gusto daw makita ni mam yung buong solution e. o ayan. sa c., naman, 29.10digits(10digits ule). !@$#@^%$*! &*(^*&%$! %^&*^*(^! solve to see for yourself.
continuing the math talk:
anong english ng tsismis? gossip? no.
sa math, ang tsismis ay conjecture. ayon kay caring.
oi b-chan, engeng conjecture. cute.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
quotable quotes ulet.
“the best political analysts are taxi drivers”
“yes, there’s a communist party in the united states…siguro sila-sila lang ang magkakakilala”
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
alam kong ayaw nyo ng anime pero bahala kayo. hehe.
meine liebe. i want more! nabasa ko pa lang ang 2 volumes, and i want more! more! orpherus is the best! lui is the best! (dalawang best?) aww…orpherus, how far can you get? huh? huh? lui, how bad-looking can you get? kyaa! eduard, how long can you take it? naoji, how patient and kind…aww… camus, i want your powers! waa! must make another trip to quiapo to get the dvds. wahh!
gakuen alice. i want the last three episodes! to b-chan, you must see this:
yamato nadeshiko shichihenge: badtrip yung ending! bakit di nagkatuluyan sila kyohei at sunako? yung manga, yung first 7 volumes, mediocre yung drawing. pero alam ko gaganda yun sa mga susunod e. must see. wahh.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
may libreng concert sa up, kaso classical. waan. kelan nga ba? first friday of december, 7pm sa up theater. wanna watch. wahh.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
question for philo majors: prove to me that this (thing) exists. now.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
ayan. nabablangko na naman ako. arr.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~~ ~ ~ ~ ~
meron na akong hapon10! yaay!
at hindi sya madali. mas ok ako sa pronounciation, kaso hindi ko pa kabisado ang hiragana. arr. must study. waah.
hajimemashite.
watashiwa monmon desu.
firipin daigakuno san nen sei desu.
jyuushichisai desu.
doozo yoroshiku onegaishimasu.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
wala na ako maisip. arr.
updates sa aking mga math 2 groupmates. kanina lang, ang pinag-uusapan nila (dalawang babae nga pala sila, yung isa indian, yung isa pinay. wala lang.) ay ganito. yung indian girl (1, little 2, little 3 little indian...4 little 5 little 6 little indian...=) ay nirerelate nya ang first time nya with her boyfriend. hehe. may 10 pa daw yun, natandaan ko. hehe. yung isa naman ay nung monthsarry (meron ba talagang word na ganito?) nila nung boyfriend nya. close silang dalawang babae e. ako tahimik lang. kala mo nagno-notes. yun pala nagde-data gathering. hehe.
*~|Link|~*<
*~|rubie!|~*<
- *~|jessica zafra|~*
-
*~|ezboard|~*
*~|pauline|~*
*~|keith|~*<
- *~|pingy|~*
-
*~|jay-anne|~*
*~|ron|~*
*~|greek mythology|~*<
- *~|publisher|~*
-
*~|Link|~*
*~|pinoylaw.net|~*
*~|pinoylaw ulet|~*
*~|bar|~*
*~|jj|~*
contact me if you want to be linked
I am fuyu no miko
seventeen forever
currently working on my own manga, season chronicles / kisetsu nendaiki
likes: anime, manga, anime ost, books, drawing, food
hates: stupid people, noise, cigarette smoke
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense
Extra
don't know what to put here...ah. youtube videos!