fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
Friday, August 26, 2005
ACLE ACLE...
Alternative Classroom Learning Experience...bawat organization or org (mukhang...kasi ang dami e...) may pineprepare na sort of learning activity (e.g. forums, lectures, film showing, tutorials, etc...) para sa mga harried na mga isko at iska. oo, harried. anyway, yun nga. nakakainis kasi isa lang ang pwede mong attend-an...sabay-sabay kasi, august 25, 1-5 pm lahat...at ang daming magagandang ACLE. tulad ng naruto!
anyway, yung inattend-an ko ay masaya. ayoko na sabihin kung san. hehe. basta masaya. ang gwapo nung speakers...hehe...lakas ng sense of humor...inantok lang ako nung ang nagsalita ay isang government official...ang weird nya kasi...hay....
pero ok yung ACLE. may classcard ding binigay, pero walang grade. parang proof of attendance lang...
sana maulit muli...
in the snow, traced by blood...8/26/2005 06:52:00 PM ainako...
eto na naman kami sa math. nahuhuli na naman kami. ainako. chaka bumabalik na naman ang alaala ng aking masaklap na math nung fourth year...mam guggie...ainako. itinapon ko na yung mga itinuro nya e...pesteng polynomials yan...
bakit ba ang hihirap ng mga subjects na nakuha ko? eto a...
english 12. world lit. grabe ang haba ng readings. iliad pa lang...poetry form yan a...pamatay na. tapos babasahin pa namin yung katakot-takot na "100 years of solitude" by Gabriel Garcia Marquez...na-tackle na nga ito nung fourth year, pero hindi naman ako nakikinig sa mga reports...ang bait ko kasing bata noon...at lalong hindi ko binasa yung book na yon. hay...
social science 2. social, political, and economic thought. ok sana yung sound ng subject nung nagpa-pre-enlist ako dito...tapos...hell...wahh...ang hahaba ng readings! scary...strict pa yung teacher. associate dean sya ng department of political science. kaya siguro sya ganun. tapos objective pa yung long tests! at least 120 pages ang babasahin para sa isang long exam...buti na nga lang tatlo lang (lang, huh?) ang long exams. pero ang hirap...wahh!!
kasaysayan 1. kasaysayan ng pilipinas. isa pa to. term papers, reaction papers...grabe. mahaba din yung readings. syempre kasaysayan...ainako. wala na kasi akong maisip na phil. studies subject...hay...buti na lang kasama ko si keith at ok din yung mga kaklase ko dun...kundi...
biology 1. contemporary topics in biology. ang hirap nung test. pero dalawang long tests lang naman, kaya medyo ok. medyo. kasi o.t. yung teacher. pramis. head sya ng cancer department kaya wala na kong narinig sa kanya kundi puro cancer. nag-aalaga daw sila ng cancer cells dun. aircon daw. ewan.
math 17. algebra and trigonometry. grabe. required to kaya wala akong magagawa. hay. syempre math, mahirap. buti na lang at nandyan ang mabait na si rubie para alalayan ang kahabag-habag kong kalagayan...wahh!!! saka si ana...yung seatmate ko...ang bait din...salamat sa assignment! (hehe..)
yan ang mga pinagdurusahan ko ngayon...wahhh!
in the snow, traced by blood...8/26/2005 06:34:00 PM
Sunday, August 21, 2005
math... eto pa...
math17. nagalit samin si sir...wahhh!!! 8:30 ang klase namin...9 na ko pumasok. hehe. grabe. pero hindi naman dahil sakin kaya nagalit si sir no...me pumasok pa nga ng 9:15 e...hehe...basta yon. tapos nagsusulat sa board si sir ng kung anong theorem or definition...nag-iingay naman yung mga kaklase ko...sila lang ha, tahimik akong tao e...hehe...yon. tapos naasar si sir. "ano bang ingay yan?" sabi nya. so tumahimik sila. after 5 minutes...lumipat ng board si sir (tatlong magkakadikit na blackboard ang nasa room namin) at nagsulat na naman. nag-ingay na naman classmates ko. nagalit na sya ng todo. "****** inang ingay yan o..."...tapos (e mag-ta-time na, 9:45) sabi pa "sige umalis kayo, absent kayo lahat..." tapos kinuha nya yung index cards (used for attendance) namin at nag-walk out...e time na, so labas na rin kami ng room...tuesday to e...hay...
ang labo nya...
kahawig nga pala nya yung lead vocalist ng hale...mas inferior nga lang si sir...hehe...
in the snow, traced by blood...8/21/2005 12:51:00 AM
Saturday, August 20, 2005
how do you really know? ganito kasi. sa eng 12 (world lit) class ko, may seatmate akong girl...konyo sya...tapos kausap nya yung nasa harap ko. so i can't help but hear what they're talking about. yung seatmate ko may kinukwento...tungkol sa isang guy...ganito daw. magdadate daw dapat sila one saturday, pero di natuloy bacause of some obscure reason. tapos the next day, sunday, tinawagan sya nung guy..."what are you doing right now?..chuchu" sabi nung guy. "Ahh..I'm hearing mass," sabi ni girl. "Oh..." tapos sabi daw nung guy dapat daw kahapon (saturday) magsisimba daw muna sila tapos the're going to watch a movie (ayan nako-konyo na rin tuloy ako)...tapos yung sabi nga nung girl sa kausap nya..."o diba...how sweet!" does'nt sound sweet to me...hehe...pero yun. tapos sabi nung kausap nya..."are you in love with him?"..."umm," sabi nung girl, 'i think i'm falling..." tapos parang kinilig pa sya. hay. tapos tinanong nya, "how do you know ba?...if you're falling?" tapos explain naman yung kausap nya na konyo rin...sabi "when you always think of him..." chuchu. ewan. pero tanong ko nga sa inyo...girls/guys/bisexuals/transsexuals/homosexuals/heterosexuals/gays/lesbians/tomboys/no-sex....sa mga nagmahal na at mga nagmamahal...at magmamahal...pati sa mga wala pang minamahal...how do you really know? diba naman...
in the snow, traced by blood...8/20/2005 10:28:00 AM
Friday, August 19, 2005
hay...
buhay...
yoko na ng math (which is very impossible dahil math related ang course ko) !
in the snow, traced by blood...8/19/2005 05:47:00 PM
ayan...maganda na sya...
in the snow, traced by blood...8/19/2005 08:59:00 AM
Wednesday, August 17, 2005
yay!
may blog na ko!...hehe..
in the snow, traced by blood...8/17/2005 09:53:00 AM
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense