fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
kya kya kya!
antagal ko din hindi nagpost. hehe. so beezy.
kanina ay dumayo ako sa mga library na matataas ang lebel: mainlib, educ, asian center, at…drumroll…law lib. dumayo ako kasi kailangan ko na maghabol. nakakalimutan ko na ang aking misyon…
mainlib. kasi naman, peste, sinara pa yung magkabilang gate e. pag umuulan lang binubuksan. anu naman yun? pano kikita ang kanilang nescafe machine? yung main entrance steps (bibilangin ko pa kung ilang steps) lang ang pwede. wahh. so steep, so high. badtrip. tapos filipiniana pa ang punta ko. so baba ako. ngeks. tapos yung pesteng book na balak kong pesteng i-out (i hope you appreciate my restraint in using *toot*able words here) ay room use lang. badtrip.
next stop. educ. at pesteng nagstart na umambon. wahh. wag pow, kuya wag pow. basta. inakyat ko yung 3 flights of stairs nila. bakit ba kasi kailangan nasa taas pa yung lib. pwede naman sa first floor noh. duh. basta ayun. astig, buti naman andun yung book. kaso nadagdagan ng 5 kilos ang aking dalahan. wahh. pero wala to. cheeken. hehe. at buti naman ay tumigil na ang ambon. yay!
next. law lib. no choice kasi e.
ayokong magmukhang tanga kaya hindi na ako pumasok dun sa kanilang magarang entrance na napapaligiran ng mga kotse. kahit na gusto ko pang mamasdang muli ang kanilang malawak at high-ceilinged na entrance hall kung saan pagpasok mo ay may sasalubong agad sa yong mga latin words na ang ibig sabihin ay “abandon all hope, ye who enter hither”…oi…chotto matte…teka…hindi pala latin yung naka-engrave. might as well be latin dahil kahit narecognize ko na english words ang naka-engrave (black on gray marble…wahh) dun ay di ko maintindihan. at ang room dun sa malcolm hall…anlamig…aircon…ganda ng ambiance…asteeg yung chairs, desks…asteeg…wahh…
teka teka. naliligaw na ko ng landas. grabe kasi e. dun kasi ako nag-upcat. tamo upcat pa yun ha. kasi naman e. amazed talaga ako. kya!
[kung may maligaw na nag-upcat o balak mag-upcat dito, wag na kayo tumuloy. sayang lang ang application fee nyo. 450 din yun ah. buti kung maganda ang testing center nyo. e pano kung sa palma hall, o math building/impyerno (para sakin, b-chan), or, maigulai, sa vanguard kayo magexam…haha…
buti pa sa pup kayo. mura pa. no offense =) ]
(isa uling side note: kaya daw may dalawang square na “butas” ang math club ay kais dun tumatalon yung mga bumabagsak na estudyante? hellow. sasaluhin ka kaya ng lupa. try engg, palma, o kaya sa admin/quezon hall. gapangin mo si oble pataas hanggang nakatapak ka sa ulo nya, gayahin ang pose then “darna!”. o kaya dun sa bell tower na kahit kailan di ko pa narinig tumunog ang bell. o kaya sa bahay ng alumni, all the way down to the basement. math bldg? hellow. ambaba. no thrill.)
basta. asan na ko? basta. dumaan ako dun sa may covered walkway sa may gilid (kung saan diumano ay ginamit ng board of regents at ni roman sa pagtakas sa paghabol ng kule media nung pagkatapos ng meeting kung san inaprub ang tofi…hehe, iba na talaga pag me kilala kang kule staff) and promptly met a group of men. wann. fratboys, obviously. kalahati sa kanila ay kalbo o semikalbo. haha. pwede kayang magtanong sa kanila? edi lumapit ako.
“umm, excuse me pow, san pow dito ang papuntang law lib?”
“a dyan, diretso ka tapos kaliwa, tapos…” etc etc etc.
huh?
parang gusto kong makipagdiskusyon sa kanila. “on what basis are you saying that left is really left and not right?”
o kaya
“since when have left become left and not right? what if it was the other way around?”
o kaya
“bakit malayo ang law library?” (grabe naubusan ako ng inglesshh)
o
“pwede bang magpapasok ng mga tanga inside and out dun?”
o
“mahirap ba sa up law?”
o
“bakit kayo kalbo/semikalbo?”
o
“anung frat nyo?”
at
“hahabulin nyo ba ako ng lead pipes pagkalabas ko?”
pero syempre ay di ko ginawa yun. baka kalbuhin pa nila ako. edi sabi ko “salamat” tapos sinundan ko sila. at presto, astig, naka-chain, bolt, and lock ang entrance. steeg. edi nagtanong ako sa isang warm body malapit sakin.
“erm, san po ang entrance ng law lib?”
“e, ikutin mo lang yan, ganun, ganun.”
huh? ano to, sila lang ang nakakaintindi ng kanilang mga directions? steeg.
basta lumakad na lang ako at yay, nakita ko din. hehe. me logbook pa. waw. pagpasok ko, astig, anlamig. at dito ko narinig ang pinakamababang level of noise sa isang library. nag-uusap sila pero “ashushushu” lang ang narinig ko. astig. kumpirmado: di tao ang mga andito. so hinanap ko yung tatlong books. astig, yung isa (na may 10 ata ang nakalista sa opac) ay wala. yung isa wala din. yung isa, habang hinahanap ko ay natamaan ng aking giant baggage ang ulo ng isang nagbabasa. sori pow. ahehe. ayun nakita ko sya. kaso pagbukas ko ng buk ay may lumipad agad na page. astig, ayaw magpabasa ng mga buks dito.
at naamaze lang naman ako sa mga books nila (filipiniana lang yan a)…most of them at least 4- o 5-inch thick. brown na yung pages. ahehe. pero waw. so cool.
in-out ko na yung book. astig. nadaanan ko uli yung fratboys. at hindi nila ako pinukpok ng lead pipe o baseball bat sa ulo.
next. anticlimax. asian center. mataas ang kanilang building. kailangan mo pa umakyat (parking lot area) bago marating ang ground floor. at kailangan mo pa uli umakyat para mareach ang library. sabi ng isang kasama ko dati, “pang-reyna” daw. oo nga naman. antaas kasi. pagpasok mo sa lib, iba pa yung reading room sa books room. pag pumasok ka ng books room, para kang nag-time warp (shaider! doraemon!) at bumalik sa sinaunang panahon. at maaamoy mo ang distinctive, unmistakable fragrance of old brown books. wann. andun yung isang buk. yey. at nakita ko dun yung parehong buk na kinuha ko sa law lib. kuso, dapat ito inuna ko. tsk.
wala ako maisip na conclusion. basta ang ganda sa law lib. kya!
*~|Link|~*<
*~|rubie!|~*<
- *~|jessica zafra|~*
-
*~|ezboard|~*
*~|pauline|~*
*~|keith|~*<
- *~|pingy|~*
-
*~|jay-anne|~*
*~|ron|~*
*~|greek mythology|~*<
- *~|publisher|~*
-
*~|Link|~*
*~|pinoylaw.net|~*
*~|pinoylaw ulet|~*
*~|bar|~*
*~|jj|~*
contact me if you want to be linked
I am fuyu no miko
seventeen forever
currently working on my own manga, season chronicles / kisetsu nendaiki
likes: anime, manga, anime ost, books, drawing, food
hates: stupid people, noise, cigarette smoke
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense
Extra
don't know what to put here...ah. youtube videos!