fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
kya kya kya!
antagal ko din di nagpost.
para sa aking adidas, isang munting kwento…
hindi ba mas masarap suutin ang mga sapatos na napaglumaan na? provided syempre na malinis, hindi kupas, hindi kinagat ng daga, hindi frayed, etc…kasyang kasya, fit na fit, malambot sa talampakan. komportable ka. di ba? oo, bibili ka ng bago, may magbibigay sa yo, may darating na bago…mas maganda, mas gusto mo, mas makulay, mas uso yung design. itatago mo na sa isang tabi yung isang pares ng sapatos. kasi nga napaglumaan mo na. kasi ayaw mo na, sawa ka na. ikaw naman at ang bago mong sapatos ang magkakaunawaan. sasanayin mo na ang sarili mo sa kanya, at unti-unti na ring babagay sa yo, kakasya sa yo yung sapatos. magiging komportable na kayo sa isa’t isa. syempre iteterno mo na. ayan fit na, ayos na. kayo na lagi ang magkasama. at nakalimutan na ang lumang sapatos.
bakit mo itinago ang lumang sapatos? umasa lang yung dating sapatos na gagamitin mo pa sya. hindi ba mas maganda kung itinapon mo na lang sya o ipinamigay? at least wala na sya aasahan sa yo. hindi katulad ng pinaasa lang.
oo, minsan, babalikan mo din ang dati mong sapatos. kung sawa ka na pansamantala sa bago mong sapatos. matutuwa ang sapatos dahil naalala mo pa sya kahit kaunti. sasalubungin ka nya ng maayos: nakangiti, fit na fit pa rin, malambot pa rin, kahit lalo pa syang kumupas. lalong nawala ang dating kulay nya na di mo na halos matandaan sa tagal ng iniwalay nya sa yo. halos nakalimutan mo na nga e. nakita mo lang sya habang nag-aayos ka ng iyong mga gamit. kung maayos mo siyang itinago, iniwan dati, maayos ka rin niyang sasalubungin. kung basta mo na lang sya inihagis sa iyong lalagyan o kabinet, syempre masama din ang labas nya sa yo. maaaring nginatngat na sya ng daga, initlugan ng ipis o butiki, tinaihan ng daga, ipis, butiki…
wala na sya, sirang-sira na. at itinapon mo na ang luma at walang kwentang sapatos sa basurahan, hindi alintana na ikaw mismo ang maygawa sa kasiraan niyang iyon. walang lingonlikod mo syang itinapon. ni hindi na sya pwedeng ipamigay. at kasabay mo na ring itinapon ang mga alaalang kasama mo ang dati mong sapatos.
wahh…yung adidas ko…sale yun nung binili e, hehe. ngayon butas na yung sa may tapat ng right o left toe, pano ko kaya sosolusyonan yun? tagpi? nge.
basta. ipinaparating ng sapatos na masaya sya dahil kahit minsan, nagkasama sila ng kanyang master. kahit minsan, napagsilbihan nya ang kanyang master. at gusto din niyang iparating sa kanyang master na
*~|Link|~*<
*~|rubie!|~*<
- *~|jessica zafra|~*
-
*~|ezboard|~*
*~|pauline|~*
*~|keith|~*<
- *~|pingy|~*
-
*~|jay-anne|~*
*~|ron|~*
*~|greek mythology|~*<
- *~|publisher|~*
-
*~|Link|~*
*~|pinoylaw.net|~*
*~|pinoylaw ulet|~*
*~|bar|~*
*~|jj|~*
contact me if you want to be linked
I am fuyu no miko
seventeen forever
currently working on my own manga, season chronicles / kisetsu nendaiki
likes: anime, manga, anime ost, books, drawing, food
hates: stupid people, noise, cigarette smoke
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense
Extra
don't know what to put here...ah. youtube videos!