fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
Friday, July 06, 2007
ang mga profs, bow. well.
arghh…spoiler…wahh…isa palang former captain level shinigami si isshin? huwaat?!?! isshin? no way!
anyway, hindi naman sya lahat tungkol sa bleach. ahehe.
ang mga profs, bow. spanish 10. ang prof na kamukha ni kuya germs. ainako. everytime na lang tumatawa kami sa klase nya. kasi araw-araw nya kami iniinsulto. pano? simple lang. sinasabi nya “this class is very good” at least 5 times every meeting. tapos dati nung second meeting namin sabi nya “wag nyo paniniwalaan lahat ng sinasabi ko.” ahehe. di rin iilang beses na sinabihan nya kami ng bobs, bungol, dungol, etc etc. sabi nga nya minsan, “ambobobo talaga nyo.” tawa lang kami. sabi nya samin, “kayo lang ang klase ko na kapag iniinsulto ay tumatawa pa.” syempre tumawa kami. “o, tatawa pa!” ainako. onga pala. ang favorite word nya ay punyeta. oo pramis. punta ka sa klase namin at maririnig mo ang iba’t ibang ways to say punyeta. poonyeta. punyetahh. punyeta (mabilis!). at may variations pa. punyetissima. san ka pa. punyete. la punyeta. binilangan ko nga siya e. 17 nung una. next meeting 29 naman. yung last meeting namin, da best. 57. yung first 10 hindi pa kami nagsisimula ng lesson ha. “punyeta ang init dito sa bansa ninyo.” sabay punas ng pawis. parang di nya bansa ito. hehe. next favorite word nya ay pastillan/pastilan. bisaya daw yun e. alam nyo ba meaning nun? mura ba yun? di ko lam e. taksiyapo lang alam ko. ahehe. syempre binilang ko din. 17 din sa una, tapos 17 uli, tapos naging 12 na lang. natabunan ng poonyeta.
marami din syang quotable quotes. “ba’t mo ‘ko dinidilaan? pastillang bata to ah.”(pagkatapos magrecite ng kaklase namin) “anong punyeta to?”(habang nakatingin sa teksbuk namin) “punyeta ayaw magsibasa ng mga batang ito ah!” (collective recitation/sabayang pagbigkas sa klase…=) “kasi dalawang punyeta ang pinag-uusapan natin.” (tungkol sa no. of subjects…subject-verb agreement) “tanggalin mo ang punyetang iyan, magtipid ka.” (sobra ng verb ang sentence) “tingnan natin ang punyetang iyan” (referring to a lesson in the book) “sinong taga-laguna dito? wala? punyeta. walang ilocano? punyeta. walang ilocano? pastillan.”
indeed, hitik kami sa verbal abuse every session. but we love it. kakaiba yung humor nya, cruel pero masaya. ahehe.
memorable din yung first day namin sa kanya dahil sa isang inosenteng bata na sumagot ng ice cream nang tanungin sya ni sir kung ano ang “serbesa.” asteeg.
next stop. pi 100 prof.
isa syang bakla. not that i have anything against gays. oops, meron pala. ayoko lang nung, erm, bulgar na bakla. alam nyo yun? yung mga typically makikita sa kalye, parlors, etc. naiinis ako sa kanila. ang arte at ang iingay. syempre me exceptions din. pero minsan nagiinternet ako ay may bakla sa tabi ko. incidentally, sya yung bantay sa computer shop. at may kausap sya sa internet? voip? hehe. pc-to-pc call sa isang…guess what. kainis. they both belong to the species of gays that i detest. basta tsismisan lang sila ng tsismisan sa tabi ko, at hindi ko maiwasang di ma-overhear ang kanilang pesteng usapan. “huy narinig mo na ba yung tsismis?” “di pa ano yun?” …basta kung anong tsismis man yun. “oi eto me ipeplay ako para sa yo” “ano yan?” …basta me music na pesteng napakalakas. apparently isa itong sad love song. yakk “huy bakla wag kang ganyan…” “huy bakit di mo pa sya nakakalimutan?” “hindi e…hindi ko kaya.” “ano ka ba marami namang lalaki sa mundo.” “hindi e, nag-iisa lang sya.” ergh. yahk. [kung sino man po ang tinatamaan ay wag magagalit. pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. preferably cake, yung red ribbon black forest, tiramisu meltdown o kaya chocolate mousse o kaya marjolaine. o pwede na rin ang chocolate sansrival o kaya black forest ng goldilocks. o kaya oreo/new york cheesecake. o kaya kahit yung ube ensaymada na lang…or garlic bread… tama nga naman kasi. maraming lalaki sa mundo. and they’re all worthless. either ugly, short, dumb, an airhead, fat, poor, insensitive, manhid, stupid, or an ingrate…or a combination or all of the above. really. mas nakakasama pa sila kesa nakakabuti. haha. i’m a female chauvinist pig. am not a manhater though. trust me. they’re stupid.]
hay. asan na ba ako. ah, sa prof ko. kakaiba sya. pati yung pagtuturo nya. haha.
yung prof muna. ayun. bakla nga sya. as in. pero hindi flamboyant. sa pananalita mo lang sya mahahalata. hehe. kasi diba yung ibang maayos na bakla ay maayos manamit? sya hindi. sloppy sya manait. hehe. ang yabang ko, di rin naman ako maayos manamit. kung anong meron edi yun na lang. to hell with fashion.
sabi nya sa isa kong kaklase na may katabing semikalbo: “wag kang makikipagrelasyon sa mga kalbo, nang-iiwan yang mga yan.” asteeg.
di pala sya gaanong kakaiba. ahehe.
ang subject naman. pi 100. rizal. unang meeting namin tinanong nya ang buong pangalan ni rizal. nakalimutan ko na e. ang haba kasi.
yung grading system nya ganito: 2/3 galing sa reporting, 1/3 galing sa long exam. magbibigay sya ng dalawang long exam, pumili ka lang ng isa. answer 3 questions (essay) in 1 hour. asteeg. kung ayaw mo, ganito na lang. sauluhin mo ang mi ultimo adios (in spanish ha) at uno ka na sa subject nya. asteeg. sabi nya “kaya kesa naman pumasok kayo sa klase, pumunta na lang kayo sa bukid at magsaulo.” waw. +.25 sa perfect attendance nga lang. +.25 din pag mahilig ka magrecite. magbibigay din daw sya ng quizzes every meeting na pwedeng +.25, +.5 o kaya +1.0 sa grade mo. objective. oo nga pala. pwede ka ring mamigay ng grade. kunyari 1.25 ka, 2.75 yung frend mo. pwede mamigay ng .25 or higher, magiging 1.5 ka na lang tapos 2.5 naman yung frend mo. asteeg no?
last meeting, nagquiz kami. objective. 10 questions, pag naka-6 ka ay uno ka na sa kanya. haha. sounds nice no? basahin mo muna yung mga ibang tanong: sino’ng gwardya ni rizal nung nakakulong sya bago sya mamatay? (lt. taviel de andrade) ilang languages ang kayang salitain (steeg) ni rizal? 22 ilang taon, buwan at araw si rizal nung namatay sya?…umm…nakalimutan ko na, pero me 6 months. anong pangalan ng kabayo ni rizal nung bata? nakalimutan ko na. sino’ng gubernador-heneral noong ipapatay ang gomburza? nakalimutan ko na din. anong grupo ang itinatag ni rizal nung nasa ust sya? nakalimutan ko na. anong barko ang sinakyan ni rizal mula singapore hanggang madrid? djemnah.
haha. nakalimutan ko na yung ibang tanong, but you get the picture. nung nagchecheck kami, tinanong ni sir kung anong sagot sa isang tanong. recite yung isang lalaki sa may likod. sabi ni sir, “binabati kita… sa galing mong magimbento. san mo nakuha yan?” astig. nung tinanong nya kung me naka-6, walang sumagot. cheer kami lahat. yey… ako, naka-2 lang ako. haha.
yung ibang prof ay di masyadong kakaiba.
econ 1. iba to. adik yung teacher. tuwang-tuwa pa sya nung sinabi nya na nambabagsak sya. waw. me kinwento sya nung 1st day namin. me graduating student daw sya noon sa parehong subject namin ngayon. e bumagsak yung student. nakiusap daw sa kanya yung estudyante, di sya pumayag. (warning bells). waw. pinuntahan din daw sya ng nanay nung estudyante, nakiusap, kasi isang subject na lang daw yun e. di rin sya pumayag (stronger warning bells). kahit daw bigyan pa ng another exam yung student, parang removals, pero di pa rin sya pumayag (loud ang insistent, deafening warning bells). waw. dapat na kaya akong magdrop? kaso dalawa lang ang section ng subject na yun, magkasunod, at sya pareho ang nagtuturo. asteeg. talk about choices. econ pa naman ang subject…kung saan ine-emphasize ang free market kung saan ang consumer ay malayang makapamili…waw. yung katabi ko nga, last sem, dinrop nya tong subject na to kasi ayaw nya ng teacher. turned out sya pa rin yung teacher. waw. yet another warning bell. last sem daw puro tres ang mga tao sa kanya. asteeg. me sinabi pa yung adik naming prof. kahit daw bumagsak kayo sa 2 exams nya, pwede ka pa ring maka-tres. me plus points kapag ang 2nd exam mo ay 30% higher kesa sa 1st exam. sabi pa nya, “kaya ang advice ko sa inyo, magpazero kayo sa 1st exam. tapos i-30% nyo yung 2nd exam. tres na kayo sigurado.” waw pare, salamat ha. kakainis naman sya magturo. binabasa lang nya yung powerpoint nya. ainako. at nakakatulog ako sa klase nya. hehe. magigising na lang ako nagtaas na sya ng boses habang naglelecture
econ 2. astig din to. gaya din ng nasa itaas, 2 sections lang din ang meron, magkasunod, at parehong sya ang nagtuturo. pero mas maayos naman to. naaawa lang ako sa kanya kasi kahit anong attempt on humor nya ay nababalewala. di kami sumasagot. tulog pa kami. 8:30 class kasi e. tulad nung minsan tinanong nya kami kung nanood kami ng fantastic 4 o kaya transformers. walang sumasagot. so ano daw ginawa namin nung weekend? nag-aral? “you are such serious students.” waw. isa pang tanong nya. “do you still use such terms such as ‘going steady’? no? what do you use now?” wala pa ring sumagot. wawa naman.
ps11. astig yung teacher. sa sobrang galing nya di ko na sya magets. anim lang naman ang exam namin sa kanya, each covering at least 4 chapters(equal to 100 pages). asteeg. at may 2 papers kami. nagpasa kami ng isa last week. tapos next meeting winala nya yung paper ko. wahh. hehe. dalawang oras ko lang ginawa yung paper na yun, 2 hours before our class. ahehe. 1 hour draft on paper, 1 hour typing. yay. me, the certified crammer. syempre nakakatulog din ako sa klase nya.
ps14. hehe. last na. iba tong teacher na to. mahilig syang magsabi ng “no?” minsan binilangan ko dinsya. 129. siguro every sentence na sinasabi nya me no? sa dulo. quotable quotes: “alright, no?” “let’s not, no?” “’kay? right?”
wee
in the snow, traced by blood...7/06/2007 07:44:00 PM
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense