fuyu no miko here
i am a krusnik; i suck the blood of vampires
enter my lair at your own risk
Thursday, May 31, 2007
at nabasa ko kung ano (dapat) ako sa isang email...
sagittarius-the lion
great talker. ah talaga. lalo na pag anime ang pinag-uusapan. o anumang topic na gusto ko. hehe
attractive and passionate. you judge.
laid back. medyo. pag tulog.
knows how to have fun. oo sobra. yun na nga lang ang ginagawa ko e.
is really good at almost anything. oh yeah, name it.
great kisser. no comment. wanna try though? =)
unpredictable. yeah.outgoing. medyo. to the point of being bossy and domineering. [medyo huh?]
down to earth. oo. yung earth nasa taas. up to earth dapat. i'm too full of myself.
addictive. addict, more like.
attractive. troolaloo. hehe. actually, not really. not at all.
loud. oh yeah. lalo na pag kumakanta ako. kaya stay away from me.
loves being in long relationships. no comment again.
talkative. great talker na nga e.
not one to mess with. wwe warning: don't try this at home.
rare to find. bah, anjan lang ako sa tabi-tabi.
good when found. bad when not. sorry ka. hehe.
7 yrs of bad luck if u do not repost. (ayunn)
________________
guilty gear
adik ako dito sobra. arcade game ito sa world of fun sa sm centerpoint. big screen. kainis wala sa north edsa. tsk. basta asteeg yung graphics nito sobra.at syempre may gwapo. ahehe.yung blond si ky-kiske.yung white-haired si chipp-zanuff.yung black-haired si testament.at di ko pa to natatapos. isang kalaban na lang e. kainis.
pano ba maglagay ng audio dito? hmm..
in the snow, traced by blood...5/31/2007 06:45:00 PM ahehe.
antagal ko din hindi nagpost. ngayon magsawa kayo sa kakabasa. hehe.
amboring ng bakasyon. napanood ko na yung fushigi yuugi ng buo, at napatunayan ko na tinapos ng ito noon ng gma nung grade 6-first year hs ako. ahehe. kala ko kasi hindi, dahil akala ko ki-nut ng gma dahil masyado itong malaswa. at nang napanood ko sya ay hindi naman pala sya malaswa. ahehe. ang gwapo nila hotohori at nakago, wahh...gusto ko na din tuloy mapanood yung fy genbu kaiden at ova 1 and 2...wahh...pati ouran season 2...wahh...
gusto ko na rin mapanood ang bleach at naruto shippuuden. bleach, yung jap dubbed ha, ampangit kasi ng dub sa gma 7 (wahh...anung nangyari sa mga boses nila? wahh) at pati yung translation sabog. wahh.
hmm. speaking of gma 7, nagulat din ako nang ipalabas nila yung gto live action. puro kabastusan yun e. oo lahat ng episodes meron. haha. gusto mo mapanood? hiram ka sakin. 12 cds. yeah. pati special meron. ahehe. pero malamang syempre edited na naman. tulad ng tenjou tenge, na puro boobs ang makikita mo. tapos ibu-blur nila. bakit pa kasi yun yung ipinalabas nila no. at ibinalik na naman nila ang slamdunk. for the nth time. ang slamdunk, bow. na ang bawat shoot ay tumatagal ng 1-2 episodes at accompanied ng memories. waw nagsenti sa court. wahaha.
naalala ko tuloy yung sinabi ng isang tao: "anung ginagawa ng mga kalaban habang nagtatransform sila sailormoon?" onga naman. hinihintay talaga nila yun noh. para mas maganda daw tingnan. ngek.
at ipinalabas din ang mermaid melody pichi pichi pitch sa qtv. at matatapos na sya sa friday. yung first story arc, na malamang ay matatalo si gaito. hay. mas gusto ko pa naman si gaito kesa kay kaito. kainis. at kakaiba din yung fight scenes nila ha. kumakanta sila, kinakantahan nila yung kalaban. at yung kalaban kumakanta din. tapos makikita mo sumasakit yung ulo nila. ano yun, papangitan ng boses? pa-sintunado-han? (ano yun? =) [maayos din naman yung mga kanta nila, pati yung sa kalaban. ahehe.] hindi pa kasi umalis bago kumanta. hinihintay pa talaga nila.
naalala ko na naman yung nabasa ko kay jessica zafra. hehe. kasi host sya dati ng isang talk show at dinidiscuss nila yung voltes v at daimos. panahon ni marcos yun, at tinanggal ni marcos ang voltes v at daimos sa tv dahil nagpopromote daw ng violence. hehe. sabi nga, ang galing ni marcos, sya lang nakatalo sa voltes v at daimos sa dinami-dami ng kalaban nila. pati yung horny (meaning may horn) na blond prince na kapatid pala ni voltes v, oops, ni steve na leader ng voltes v(teka, since tatlo sa kanila ay magkakapatid, so tamang sabihin na kapatid sya ni voltes iii.ahehe.) hindi nanalo kay voltes v. ahehe. nadiscuss din kung bakit sa bawat laban ay bakit hindi na lang ilabas agad ni voltes v yung ultraelectromagnetic top nya.
"because the series would’ve ended in two days." meaning two episodes. diba naman. kung ganun din kaya ang sailormoon baka 5 eps lang yun. e 200 eps lahat ang sailormoon (season 1-5, including sailormoon s, r, at ss...kung ano man yun.) o sige, i-stretch natin, siguro 10 naman. ahehe.
onga pala. nakakita na ba kayo ng picture ng kahit isang scene (preferably yung naka-costume sila) ng sailormoon live action? indescribable. hanap kayo. pakiusap. kayo na ang humusga. yung prince of tennis live action maayos naman. kuhang-kuha si inui. at maayos naman yung itsura nila ryoma at tezuka (hay buti naman no). pero si fuji…wahh…pati yung gto live action, mukang tao si onizuka kesa dun sa anime. hehe. kasi naman tao talaga sya no.
ayan, puro anime na naman ako. ahehe. e adik ako e. hawaan kita gusto mo?
o sige na nga.
bus trip
ayan. kasi sumasakay ako ng bus pagpasok. mas mabilis, mas mura (waw may discount, di tulad sa jeep, peste). ayun. at kung sumasakay ka ng bus, alam mo kung gano kahirap pag nakatayo ka. wala lang. hehe.
eto pa. kasi tatluhan at dalawahan yung upuan sa karamihan ng mga bus na sinasakyan ko. (mas gusto ko nga pala ang ordinary kesa aircon. mahal sa aircon. ambagal pa. tsk) tatluhan sa kaliwa at dalawahan sa kanan. at ang sukat nila ay pambata. siguro isang foot yung width ng seat. pano naman yun? so pag isa na lang ang tirang bakante sa mga upuan, ainako tumayo ka na lang. kalahating pwet mo lang ang makakaupo.
ang ibang estupidong mga tao ay lumilipat sa aisle seat. ermm, basta yung upuan na katabi ng daanan. so either mapupunta ka sa may bintana o sa gitna (pag tatluhan). at dahil mataba ako, makakaupo ako ng buo (buong pwet) at sya naman (the stupid person) ay kalahating pwet lang. haha. stupid.
may isa nga na nasakyan ko. dalawahan sa may harapan ng bus. yun yung una kong nakitang may bakante e.[e syempre pag sumakay ka ng bus hindi ka naman nila hihintaying makaupo no. haharurot na agad. pwede kang magski mula sa may harapan hanggang likod (kung walang nakatayo)]. so dun ako pumunta. umusog sya dun sa may aisle. haha. stupid. so naupo ako dun sa may bintana. at sya ay muntik nang malaglag sa daanan. haha. stupid. choice mo yan. babae nga pala sya, mga kapatid. mukang mataray. ehehe. after 5 seconds, using my peripheral vision ahehe, nakita ko sya na lumilingon sa likuran. tapos bumulong ng malakas, parang nag-su-sulk: "meron pa naman sa likod…atsutsutsu…" kundi ka ba naman tanga e. bat kasi umusog ka. haha. natatawa na lang ako sa tabi. ehehe.
i'm so baadd…
mole of asia.
may isa akong pinsan na 1.5 years old na. ehehe.
(teka. tama ba? 1.5 years old. o 1.5 year old? kasi diba…ermm…hindi sya 1. hindi din 2, so, many sya? diba dapat 2 or more is many? e sabagay more than 1 naman sya. so 1.5 years old nga. wala akong sense! wala akong sense! wala akong sense!)
basta ayun.
pag tinuro mo ang nunal mo at tinanong mo kung ano yun, ang sasabihin nya ay "gago".
"hindi, nunal 'to."
"hindi, gago."
"nunal."
"gago."
ngek. pinsan ko ang nagturo sa kanya nun. ehehe.
____ at tinamad na naman po ako.
hay, anlapit na ng pasukan. 2 weeks na lang. wahh. pahirapan na naman sa enrollment. tsk. at tatamarin na naman akong mag-aral.
ui math wizard, punta tayong moa ha? sabi mo yan.
in the snow, traced by blood...5/31/2007 06:40:00 PM
Friday, May 25, 2007
heyahhh!!!!
musta na kayong lahat?
amboring ng bakasyon. medyo. hehe.
tinapos ko lang yung fushigi yuugi. yee! ang gwapo pa rin ni hotohori kahit mamamatay na sya. o kahit patay na sya. hehe.
pero me gusto akong ikwento sa inyo.
nakita ko sya uli. i teenk.
parang multo.
ganito kasi yun. sumakay na ko ng jeep pauwi. galing sm. north. hehe.
(pesteng kfc. pumila pa ko wala namang chicken steak. tsk. at grabe yung foodcourt pag lunchtime. oops. hindi pala lunchtime. mga 1pm na nun.)
tapos, nung araneta na, me sumakay sa harap, sa tabi. nakaupo kasi ako sa likod ng driver(yeahh...imagine my position...wahaha =).
tinitigan kong mabuti. pasado kasi ang unang kondisyon: maputi sya.
at habang lalo ko syang tinitingnan ng matagal, lalo akong nako-convince na sya nga yun. kamukha nya na hindi.
pero sya nga yun.
ahaha. maputi sya, mas maputi pa sakin. at wala syang pimples. ahehe. kakaiba din yung hairstyle nya. di ko madescribe. ahehe.
pero nung bumaba sya....sa sto.domingo...ayun. sya nga yun. hehe.
kaso napansin ko ang isang mahalagang bagay....
hindi sya matangkad.
waaaannn...
matangkad meaning at least 3 inches taller than me.
wann...
sayang.
ahehe. hindi sya gwapo...hindi sya pasado sa mga standards ko.
ewan ko ba kung anung nakita ko sa kanya dati. hay.
siguro naman kilala nyo na kung sino sya. ahehe.
hayy...
hindi ako apektado. hindi ako apektado. hindi ako apektado.
halata ba?
ahehe. =)
hayy...
eyecandy--lucia and kaito:
in the snow, traced by blood...5/25/2007 08:08:00 PM
wants:
a set of faber-castell 48 classic colour pencils or crayola 64 colors
endless supply of c1 and c3 pilot gtec pens
solitude and silence, power and prestige
current loves:
manga: vampire knight, shinshi doumei cross, ludwig kakumei
anime: cardcaptor sakura, vampire knight, kiniro no corda~primo passo
edibles: fishball, palabok, iced tea, coke zero
characters: kaname kuran, zero kiryu, eriol hiiragizawa, laures
delinquent student
certified instant coffee gourmand
caffeine dependent
sleep monster
no fashion sense